Bela Padilla, patutunayang ‘di lang siya basta sexy

WALA NANG maka-kapigil pa kay Bela Padilla para magpaka-daring in her first lead role via the Kapuso Network’s newest compelling drama Magdalena under the helm of seasoned actress and TV director Gina Alajar. Sobrang na-challenge ang dalaga sa role niya as Lena dahil may transpormation ‘yung character na ginagampanan niya.

“Hindi ko masabi na ito talaga ang gusto ko. It is something I am so excited about the project. Hindi ito ‘yung character na mag-i-start from the beginning to the end. Bihira ‘yung chance na ma-try mong maging bida and kontrabida sa isang show,” sambit ng dalaga.

Para kay Bela, challenge sa kanya ‘yung mga nakunan nang eksena dahil lahat ng eksena niya umiiyak siya.

“Isa lang ‘yung eksenang ngumiti ako, ‘yung sa opening lang. Na-challenge ako dahil ang lakas ng expectation ko sa sarili ko. Tapos, nakikita ko ‘yung mga tao around me, mataas talaga ang expectation nila sa akin. I think ‘yun talaga ang challenge para sa akin especially my fans na susubaybay ng show ko this coming October 8 weekdays after ‘Sana Ay Ikaw na Nga’ on GMA Afternoon Prime,” say niya.

Isang malaking responsibility ang nakaatang ngayon kay Bela dahil siya mismo ang magdadala ng show. May halong kaba at takot ang nararamdaman ng dalaga sa mapanghamon papel na ga-gampanan niya. Papaano kung hindi pumatok sa viewing public ang pagiging bida-kontrabida niya sa drama series?

“Hindi ko nga alam, nalilito ko. Parang nawiwindang ako sometimes. Minsan tinatanong ko ang sarili ko, ‘am I doing things right’? Kasi, I want it to be perfect talaga. Kapag may kulang, parang natutulala ako. I want to do it again, alam mo ‘yun. Ayaw kong magkulang kahit one percent, ayaw ko talaga,” wika ng actress.

Itinanggi ni Bela na nakikipagpaligsahan siya sa mga kasabayan niyang artista sa bakuran ng Kapuso Network para lalo siyang mapansin.

“No, it’s just something  that was given to me. Something, I was blessed with. I don’t have that point of view na parang I have to be better than everyone. I’m not competitive at all so, I don’t think other people that way, it’s just given to me,” paliwanag niya.

Gaano ka-daring sa mga sexy scene at love scene si Bela? “Siyempre, kailangan sundin natin ang standard ng television kung hanggang saan lang puwedeng magpakita ng skin. It’s not like I can show everything and I’m not planning on showing anything. So, nandu’n pa rin ako sa tama lang. You know, they gonna take good care of me naman.”

Magtutuloy na kaya si Bela sa pagiging daring and more matured role sa mga susunod niyang project? “Not really, I can still go back to the role I’ve done before, if they want me to give those roles. I don’t want to give the impression that I’m gonna start doing sexy role because of Magdalena. It’s just that I am going sexy role now and then after this, let see where it goes. I don’t wanna be known as one thing,” pahayag ng sexy actress.

Sinabi rin ni Bela na walang naging problema sa family niya kung marami siyang sexy scene sa bago niyang soap. “I ask my mom, she’s there sa lahat ng meeting. Nakita naman niya ‘yung takbo ng istorya. Minsan may bugtong-hininga siya. May guidance naman kasi at ‘yung director namin ay babae. I’m sure naiintindihan niya dahil artista rin siya. Naiintindihan niya ‘yung mga kaunting hesitation ko, kaya hindi ako masyadong natatakot. ‘Yung family ko, kinausap rin si Direk Gina, nandu’n rin sila kapag meeting so, hindi sila worried sa akin,” aniya.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.