Bela Padilla, natakot kay Marian Rivera

Bela-PadillaPRANGKA PALA talaga na napakadiretsong kausap ni Bela Padilla, kaya nga napagkakamalan din siyang mataray at suplada ng mga hindi pa niya kakilala sa showbiz. Pero nu’ng magkaroon sila ng alitan ni Marian Rivera ay marami ang naawa sa kanya, dahil hindi man lang siya nakaganti ng sagot sa primetime queen ng GMA-7 para maipagtanggol ang kanyang sarili. Ang nangyari kasi, ibang tao ang nagtanggol para sa kanya laban kay Marian.

“Wala na ‘yon sa akin, dahil hindi naman ako galit nu’ng mangyari iyon. Ang naramdaman ko noon, sobrang takot, na baka dahil sa isyu na ‘yon ay makaapekto ‘yon sa career ko, pero hindi naman pala. Kasi, nagtuluy-tuloy naman ang pagdating ng mga project sa akin. Hindi ako lumaban o nakipagsagutan, dahil hindi naman ako pinalaki ng mga magulang ko na gano’n. Kaya hinayaan ko na lang,” wika ni Bela.

Mahal ni Bela ang kanyang pag-aartista, kaya takot siya sa mga bagay na puwedeng makaapekto sa gumaganda niyang career. Kahit nga mayroon na siyang karelasyon ay nauunawaan naman daw siya ng kanyang boyfriend.

“Very supportive siya sa career ko. Dati pa, ang plano ko ay mag-aasawa ako kapag 30 na ako. Eh, 22 pa lang ako ngayon, kaya matagal pa rin ang hihintayin ko. Career muna talaga sa ngayon ang priority ko,” banggit pa ng magandang aktres.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

5 thoughts on “Bela Padilla, natakot kay Marian Rivera

Leave a Reply

Your email address will not be published.