Bela Padilla, naiilang pa ring magpa-sexy sa TV

MATAPOS MAG-POSE nang sexy bilang cover girl ng FHM si Bela Padilla, mara-ming kalalakihang humahanga sa kanya ang matindi ang interes na mapapanood naman siya portraying a sexy role. Lalo pa at kapansin-pansin na mas gumanda pang lalo ang hubog ng kanyang katawan ngayon.

“Talaga? Thank you for showing interest in me,” napabungisngis na reaksiyon. “Uhm… ewan ko. Minsan naiilang kasi ako. Parang nahihiya ako. Hindi ko alam kung sexy nga ba ako! Hahaha! Ah… siguro kapag right script, right project… why not? Pero hindi ko nakikitang bagay sa TV na magpa-sexy.”

Sa latest survey ng FHM’s sexiest, balitang number 7 ang ranking niya.

“Siyempre super-happy ako. From last year’s number 77, I jumped to number 7 this year. At nakakatuwa na no’ng first tally pa lang, number 8 na ako. Hindi malalaki ang itinatalon ko. So, okey. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga nag-text para mag-vote sa akin. Thank you so much. I really appreciate it. Sana mag-text pa kayo. Kasi hanggang June 5 pa naman.”

Nakatulong ba sa tingin niya ‘yong pagi-ging controversial FHM cover girl nga niya?

“I think so. In showbiz kasi, parang feeling ko it’s really like that. Parang you have to accept the controversies. Kasi it’s really gonna help you.”

Handa na ba ang loob niya na rumampa sa susunod na FHM’s 100 Sexiest Women?

“My gosh!” napabungisngis ulit si Bela.

Pinaghahandaan na ba niya ito?

“Naku po! Uhm… wala pa akong ginagawang preparation. Kasi nagti-taping kami ng ‘Hiram Na Puso’ kaya lagi akong puyat. Kapag pa hindi ako kumain, baka mahimatay na ako.”

Lagi raw silang nagkakausap ng dating uncle pero ngayon ay tita na niyang si BB Gandanghari  na matapos hubarin nito ang katauhan bilang si Rustom Padilla ay sumasabak na rin ngayon sa modeling.

“We were together nga recently. We’re close. Super close naman. Okey naman kami. Ano ang tawag ko sa kanya? Tita. Tita BB,” napabungisngis pang sabi ni Bela.

Ano ang advice for her ng kanyang Tita BB kung modeling ang pag-uusapan?

“Magpapayat daw ako! Hahaha! Mataba pa raw ako sa lagay na ito. Kaya kailangan ko pa raw magpapayat!”

Balitang magkagalit pa rin sina Robin Padilla at BB Gandanghari. At bilang pamangkin ng mga ito, hindi maiwasang matanong si Bela kung ano ang kanyang saloobin kaugnay nito. Apektado ba ang kanilang pamilya dahil dito?

“Marami nang problema at controversies na dumaan sa clan namin. Pero at the end of the day, we’re still a family. So, I don’t think this will gonna last so long. Maaayos din iyon. ‘Di ba? Magkapatid pa rin naman sila?

“And siyempre, may emotions na napi-feel nilang dalawa na kailangan nilang i-respect. So, sigurado, as of now, masyado pa silang hurt. Or hindi pa nila alam kung paano iku-confront ‘yong emotions nila. So, bigyan na lang natin sila ng time. They love each other.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Bela Padilla, naiilang pa ring magpa-sexy sa TV

Leave a Reply

Your email address will not be published.