Bela Padilla goes sexy and daring!

HANDA NA NGA ba talagang maging daring si Bela Padilla? Recently kasi, sumalang siya sa isang sexy pictorial. Ito’y para sa billboard ng ini-endorse niyang isang non-surgical beauty center.

Tiyak na marami raw ang maninibago kapag lu-mabas na ito dahil mula sa sweet image ay isang mapangahas at mapanuksong Bela Padilla ang bubulaga sa lahat. At kampante naman daw ang dalaga na tama lang ang ganitong desisyon niya.

She’s very excited daw to be viewed as one of the sexy actresses today. At the same time, she’s very nervous din dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong sumabak siya sa sexy pictorial na nakatakdang ibalandra sa mga naglalakihang billboard niya na makikita sa mga pangunahing lansangan sa buong Metro Manila.

Bilang paghahanda sa nasabing pictorial, she tried to lessen her curves daw. Nagpo-pole dan-cing umano siya every other day.

Marami nga raw ang nagtatanong kay Bela kung tuluy-tuloy na ba ang pagpapa-sexy niyang ito. Game na rin kaya siyang mag-pose sa isang men’s magazine at mag-portray na rin ng mga daring roles?

Siguro raw, at the right time, gusto rin niyang i-try na mag-pose ng sexy sa isang men’s magazine. ‘Yong sa pagtanggap naman ng daring roles, hindi pa rin daw niya napag-iisipang mabuti.

Huwag daw muna siguro nga-yon. Ini-enjoy pa raw niya ‘yong career niya na hindi muna siya nagpapa-sexy.  ‘Yong sa billboard lang daw muna na sa paniniwala niya ay sakto lang naman daw na ilabas na sexy ang dating ng pictorial niya para rito.

Pero kung kami kay Bela, itutuluy-tuloy na nga namin ang naumpisahang pagpapa-sexy. Ito na ang pagkakataon for her na makagawa ng ingay on her own at hindi dahil sa mga kinasasangkutang intriga o kaya ay may popular na artistang nang-aaway sa kanya.

‘Yun na!

At dahil pinsan nga siya ni Kylie Padilla at naging leading lady din nga siya ni Aljur Abrenica sa Machete, hindi maiwasang matanong din si Bela tungkol sa maromansang usapin sa dalawa. At sa tono ng pananalita niya, parang kumbinsido rin nga siyang nagkakamabutihan na ang mga ito.

Aniya pa nga, “I’m very happy for the both of them. If they’re happy right now, sana tuluy-tuloy lang. Kasi I can see naman they’re both happy.  Good for them.”

Ganyan?

BLIND ITEM: MARAMI ang nakakapansin na habang tumatagal ay nagiging bruskong kumilos ang isang female co-host ng isang sikat at top-rating na TV show. Pati sa napili niyang bagong hairstyle, hindi na girl kundi masculine na talaga ang kanyang dating.

Matatandaang nang nagsimula ang female co-host na ito sa isang variety show na unang nagbigay ng break sa kanya, neneng-nene pa at walang kamuwang-muwang ang kanyang dating. Mahaba ang kanyang hair at kung magkikilos ay ubod nang hinhin. Tuloy ay madalas siyang mapagtripang asarin on cam ng kanyang mga kasamahan.

Nagkaroon ng mga intri-intriga hanggang nawala siya sa nasabing programa. Medyo matagal din siyang hindi naging visible sa telebisyon hanggang nasorpresa na lang ang lahat na biglang nadagdag siyang co-host ng isang top rating TV show ngayon.

Pero ang dating pa-girl na female co-host na ito, ngayo’y kapuna-punang kung umasta ay parang maton o siga na. May mga nagdududa tuloy na baka isa siyang lihim na lesbiana na sa ngayon ay unti-unting nag-a-out na.

At hindi naman nga raw masisisi ang female co-host na ito kung halimbawang iladlad na niya ang pagiging tomboy sa ngayon. Ang dami kasing seksi at naggagandahang dancers sa programa kung saan siya nagku-co-host sa ngayon.

Kung sangrekwang mapanuksong alindog nga naman ang makakasama at makikita niyang maya’t maya ay nagbibihis nga ng mga very revealing dance costumes, aba’y nakakatomboy nga talaga!

Naman!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Bela Padilla goes sexy and daring!

Leave a Reply

Your email address will not be published.