Bela Padilla, awat na sa pagpapaseksi?!

NANANATILING MAY conflict pa rin sa pagitan ng magkapatid na sina Robin Padilla at BB Gandang-hari. Hindi pa rin kasi tanggap ng action star ang bagong katauhan ng kapatid, at gusto pa rin niya itong kilalanin bilang si Rustom.

Pero ang iginigiit nga ni BB, tanggapin siya sa bago niyang katauhan. Na hindi naman nga magawa ni Binoe.

Si Bela Padilla, hindi maiwasang matanong tungkol dito. Pamangkin kasi siya nina Robin at BB.

“They’re both adults really,” aniya. “And they know naman their relationship. Magkapatid sila. Lahat naman ng magkapatid, dumadaan sa ganyan. So, in time, hayaan na lang natin.

“Hindi naman talaga kasi dapat i-puwersa ‘yang mga ganyang bagay. So, hintayin na lang muna natin na lumipas muna itong panahon na ito.”

May special someone daw ang kanyang Tita BB ngayon. Isang foreigner na na-meet nito abroad. At malamang daw ay bumisita ito sa Pilipinas.

“Oo nga, eh. Sana i-introduce niya sa amin. Para ma-kilala namin.”

Tanggap niya kung ma-in love man nga at magka-boyfriend ito?

“Yeah! I mean… hindi naman kasi kami gano’n na parang nakikialam sa isa’t isang affairs. Kung ano ‘yong gusto niya, kung ano ‘yong makakapagpasaya sa kanya, hindi kami kokontra. Pero personally, kung ako… sana hindi.”

Masaya na malungkot daw si Bela ngayong natapos na ang pinagbibidahan niyang panghapong serye sa GMA 7 na Magdalena. Hindi pa raw niya alam kung ano ang next project niya. Magmi-meeting pa raw sila tungkol dito.

“Habang naghihintay ng bago kong project, gusto ko munang mag-relax,” aniya. “Baka bisitahin ko ang daddy ko. He’s in Bangkok right now. Kasi sa pagkakaalam ko, may mga naka-schedule akong regional shows. Titingnan ko muna kung may time, lilipad ako papuntang Bangkok. Last year pa kami hu-ling nagkita ng daddy ko. So this year, dapat lang naman na bisitahin ko siya.”

Last year, naging very controversial siya dahil sa kanyang FHM cover. Ngayong 2013, ano ang panggulat na aasahan mula sa kanya?

“Hindi ko pa po alam!” nangiting sabi ng Kapuso actress.

Mas magiging daring kaya siya sa taon na ito?

“Ay, wala na. Hindi na. Actually natutuwa ako kasi ‘yong Magdalena nang ginawa namin, ang pagkakaalam ko no’ng start… sexy ang tema. Pero no’ng nag-taping na kami hanggang sa matapos, wala naman akong ginawang sexy. Mas maikli pa nga ‘yong isinusuot kong shorts sa Hiram Na Puso. Sa Magdalena, lagi lang akong nakapantalon. O naka-skirt. So, natuwa ako na hindi pala gano’n ang direksiyon niya. Heavy drama pala. Wish ko sa next show ko, sana gano’n ulit. Or… mag-try naman ako ng iba like fantasy, ‘yong gano’n. Tingnan natin.”

Posible bang mag-pose siya ulit sa FHM for this year?

“Wala muna siguro this year. Kasi kakagawa ko lang ng pictorial last year. Hindi ko pa alam kung kailan ulit. Uhm… parang gusto ko kapag may natutunan na akong bago sa buhay ko, do’n ulit ako gagawa ng bagong chapter.”

Sa male fans niyang nakaantabay na mas mapanood o makita siyang mas maging daring pa sa mga pictorials o pagpu-portray ng mga roles, ano ang puwede niyang maging mensahe?

“Sorry na lang po sa inyo! Ha-ha-ha! Hindi. Joke lang. Basta… abangan na lang nila,” panghuling nasabi na lang ni Bela.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Bela Padilla, awat na sa pagpapaseksi?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.