Bela Padilla at Maxene Magalona, kapwa itinanggi ang away sa isang bar!

IKINAGULAT NI Bela Padilla ang isyung sinabuyan siya ng alak ni Maxene Magalona nang magkita sila sa isang bar.

Ayon kay Bela, wala raw siyang hilig gumimik lalo’t pumunta sa isang bar. Pagkatapos daw ng trababo niya ay umuuwi na siya. Mas gusto pa raw niyang manood ng mga lumang pelikula kaysa magpunta ng bar para lang gumimik.

Maging si Maxene ay nagulat at pinagdiinan walang nangyari gulo sa kanila ni Bela. Okey naman daw sila kahit na dyowa ngayon ng ex-boyfriend niya na si Arce si Bela ay nakapag-move on na siya .

No big deal daw ang break-up nila ng ex-boyfriend na boyfriend naman ngayon ni Bela.

 

SA 60TH birthday celebration ni Nora Aunor last Tuesday sa Meralco Hall, naitanong sa Superstar kung sino sa mga actor na nakasama sa showbiz ang tunay na minamahal niya?

Bago sinagot ni Nora ang tanong ay napabuntung-hininga ito at saka inamin na bukod kay Christopher de Leon na kanyang pinakasalan ay ‘yun daw na first love niya (Tirso Cruz III).

Good news naman sa mga Guy and Pip fanatic. Tuloy at wala nang makapipigil sa balik-tambalan ng dalawa na ididirek ni Joel Lamangan sa TV5. Sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng kaarawan ng Superstar ay umakyat sa stage si Direk Joel para sabihin na tuloy na sila sa teleseryeng pagsasamahan muli nina Nora at Pip, na ang tentative title ay When I Fall In Love.

Pinayagan na raw si Pip na gumawa ng serye sa TV5 para makasama muli si Nora at ang magiging anak nila sa serye ay sina Nadine Samonte, Marvin Agustin, atbp.

Samantalang nang maungkat muli ang pangalan ni Boyet ay naikuwento ni Nora nang ikasal daw sila ni Boyet sa beach ay naihi siya habang ikinakasal sila.

“Sobrang lamig ng tubig sa dagat. 5 am ng umaga nasa dagat na kami. Si Boyet ang may gusto sa dagat gawin ang kasal. Sina Kitchie (Benedicto), Lupita (Kasiwara) at Charito (Solis) ang naging saksi sa kasal.

“Habang ikinakasal kami, naihi ako. May milagrong nangyari sa ilalim habang ikinakasal kami, hihihihi,” kuwento ni Nora.

 

HABANG HINIHINTAY namin ang service van na sasakyan papunta sa pagdarausan ng birthday celebration ni Nora Aunor, nakita ko ang seksing comedienne na si Kit Kat sa El Terrazo na nagpuputol ng ribbon sa bagong bukas na Amisco and Brush na isang Korean store ng mga sapatos, atbp.

Hinarap naman kami ng mabait at lovable na comedienne nang makita kami at ipinakilala sa amin ang may-ari ng store na isang Koreana.

Si Kit Kat lang naman ang image model ng naturang brand ng iba’t ibang sapatos na gawa pa sa Korea.

Hindi ikinaila ng sexy/flawless comedienne na may bago na naman daw siyang ipinaayos at ito ay sa ibabang parte ng ngipin. Flawless at wala nang dapat ipaayos pa raw kasi sa katawan niya lalo na sa parte ng dibdib.

Habang kausap namin si Kit Kat ay nasa likuran pala nito ang mestisong boyfriend na kababata raw at matagal na niyang crush pero ‘di siya pinapansin.

“Siya ‘yung kababata ko. Pero no pansin naman ako. Crush na crush ko siya noon pa. Ngayon lang ako napansin dahil siguro sa kaseksiyahan at flawless ng kutis ko ngayon, hahahaha!” Say ni Kit Kat na hindi pa rin nagbabago hanggang ngayon.

Kinumusta ko ‘yung ex-boyfriend niya na tinangayan siya ng more than P2 million?

“Wala na ‘yun, wanted na siya. Accountant ko kasi siya noon,” say pa ni Kit Kat.

Hindi ba naman siya natatakot na baka tulad din ng naging husband ni Ai-Ai delas Alas ang bago niyang boyfriend?

“Naku! Hindi naman siguro. Mabait si… Saka alam ko na mahal na mahal din niya ako,” nailing at medyo nag-aalala na sagot ni Kit Kat.

Sinang-ayunan naman ng mestisong boyfriend ni Kit Kat ang sinabi nito na hindi mangyayari sa kanila ang nangyari kina Ai-Ai at Jed.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.