Bela Padilla at JC Santos, walang nararamdamang pressure sa ‘The Day After Valentine’s’

JC Santos and Bela Padilla

UNANG nagkasama sina Bela Padilla at JC Santos sa pelikulang 100 Tula Para Kay Stella na nag-topgross sa Pista ng Pelikulang Pilipino last year. This year, may movie na naman ang dalawa sa PPP, ang The Day After Valentine’s na Viva Films din ang producer, written and directed by Jason Paul Laxamana.

Ayon kay Bela,  “Priority lang talaga namin ang trabaho ngayon. Ang sarap niya ngang kasama ngayon, eh. As in last year kasi nagkakahiyaan pa kami. Ngayon, chika galore na talaga kami. Super.”

      

Hindi ba nila puwedeng i-level-up ang kanilang friendship?

 “Parang sa ngayon parang hindi po. Kasi yon nga, eh, naging mag-best friend kaming dalawa.

 “Nung nakilala ko kasi si JC may girlfriend siya and yon yung napag-uusapan namin palagi. Kinukumusta ko siya, ‘Oh, kumusta girlfriend mo? So hindi kami nagkaroon ng ganung idea. Tsaka hindi kailangan na lahat ng makatrabaho mo maging dyowa mo,” sabi ulit ni Bela.

Wala namang nararamdamang pressure ang dalawa sa pagpapalabas ng The Day After Valentine’s.

 “Ako ang tingin ko dito, parang homecoming for us. Kumbaga, alumni na kami. Parang hindi na ako nag-i-expect para sa aming dalawa. Magiging masaya din kami para sa ibang pelikula na kumita rin ng marami.

“Ang PPP kasi hindi rin naman siya competition, celebration nga siya, very festive, so we’re trying to promote Filipino films kaya magiging masaya kami para kahit kanino,” paliwanag ni Bela.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.