Bela Padilla’s gown in a Mowelfund event, not her own!

MATAGUMPAY NA IDINAOS ng Mowelfund ang kanilang “Tribute to the Philippine Motion Picture Industry” on it’s 92nd year na ginanap sa Tanghalang Nicanor Abelardo, CCP Main Lobby. Present sina Joseph Estrada, Eddie Romero, Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada, Phillip Salvador, Mother Lily Monteverde, Tirso Cruz III, Celia Rodriguez, Rez Cortez at MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chairperson Mary Grace Poe Llamanzares. Ilan lang ito sa mga artistang aming namataan.

Hindi nakarating si Ronnie Ricketts dahil nasa Quiapo raw ito at niri-raid ang mga pagawaan ng mga pirated DVD. Ang ibang artistang binigyan ng parangal ay hindi nakadalo, ang dinadahilan ay ang walang tigil na pag-ulan. Nang matapos mag-speech sina Mother Lily at MTRCB Chairperson Mary Grace, umalis na agad ang mga ito. Hindi nagtagal, natapos na rin ang pagtatanghal.

Hindi agad namin nakilala si Bela Padilla habang papalabas siya. Nag-emote muna sandali sa lobby with her friends. Unang tingin kasi, pagkakamalan mo siyang si Bea Alonzo. Mukha, tindig, pa-ngangatawan at taas. Pati nga boses at pananalita, malaki ang pagkakahawig nito kay Bea. Maging sa teleseryeng Machete ni Aljur Abrenica, pati style of acting, gayang-gaya niya ang magaling na actress. Tuloy, nawawalan siya ng sariling identity.

Kapansin-pansin din ang napakagandang gown na suot ni Bela ng gabing ‘yun. Pero teka, parang nakita ko na ang gown na suot niya. Parang hawig sa gown na ginamit ni Pops Fernandez sa kanyang concert. Para makasiguro, nilapitan ng aming kaibigan si Bela at tinanong kung sino ang designer na gumawa ng kanyang gown. Ang sabi ng dalaga, “Si Francis Libiran po,” pagmamala-king turan nito. Tama ang aking hinala, pinahiram lang ng nasabing designer sa dalaga ang suot niyang gown.

 

KAHIT INIINTRIGA, PINAGTATAASAN ng kilay ang mga drama sa buhay ni Joel Cruz. Wala itong pakialam sa sasabihin ng iba. Gusto lang daw niyang i-enjoy ang life dahil once lang siyang mabubuhay sa mundo. Ang latest acquisitions niya ngayon ay isang yate na nabili niya from an Australian guy. Equipped with two bedrooms, and sizable enough to accommodate 50 people. Binili ang luxurious water vessels last January for his birthday.

Gusto rin ni Joel bumili ng chopper at mag-enroll sa isang pilot school pero ayaw raw siyang payagan ng kanyang mother dear.  Nasa ika-32 palapag ng Pearl of the Orient Tower ang unit niya. Sa bago niyang unit sa Gramercy condominium in Makati, he occupies the penthouse. It’s the tallest building in the Philippines, ayon sa kanya.

Aside sa tatlong condo units, residence near Quad in Makati, dalawang resthouse sa Tagaytay. Inuumpisahan na ang contruction ng Baguio hideaway ni Joel sa Camp John Hay with swimming pool sa basement (equipped with heater)  at  elevator. Pangarap pa rin niyang magkaroon ng house sa Hong Kong.

Wala na yatang mahihiling pa ang isang Joel Cruz, nasa kanya na ang masaganang pamumuhay na pinangarap niya. Pero may kulang pa rin daw, gusto niyang magkaroon ng mga anak through artificial insemination. Bibili siya ng egg cells from foreigners while undergoing treatment to produce sperm cells.

Hindi pinangarap ni Joel na mag-adopt, kasi katuwiran niya, “I want my kids, my heirs to have some semblance of being my own. Laban ka, Gem Manuel?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

12 thoughts on “Bela Padilla’s gown in a Mowelfund event, not her own!

  1. HOY PESTE KNG TANGA KA WAG KA MANIWALA SA KWENTONG IMBENTO,SUMIKAT LNG AGAD EH GINAMIT NAME NI NAG-IISANG PRIMETYM QUEEN NG GMA7 NA C MARIAN RVERA!HINDI TOTOO YNG HOSTAGE HOSTAGE SA CR,KINAUSAP IN A VERY CIVIL WAY,,,TAPOS GINAWAN NA NG KWENTONG BAD C MARIAN NG KAMPO NI BELANG SSTUPIDITY NG KAMPN NYA,,,, HOW DARE YOU BELA@CLAIRE DE LA FUENTE

  2. @rr12, agree ako sa lahat ng sinasabi mo, why buy an expensive gown just to wear it for one night only when you can wear a designer gown for free. Sa buhay ngayon practical at utak na ang gagamitin at totoo rin ang sinasabi mo rr12 na dapat baguhin ng ibang mga filipino ang kanilang pag-iisip lalo na sa writer na ito. It is an honor to be asked to wear/model a designer gown.

  3. GINAGAYA NYA SI BEA ALONSO,,GAYUNG MAS PRETTY NAMAN SI BEA AT MAS MAY STAR APIOL KESA S AKANYA,,NA TRYING HARD,,PILIT!!EWWWWW….KAYA NGA FLOP ANGMACHETE BINGAY SA KANYA ANG LEADING LADY,,,KAYA YAN,,,SUS!

    mas likes ko sina,,SAM PINTO,GWEN ZAMORA,,JACKIE RICE,MICHEL MADRIGAL,,EHRA MADRIGAL,,KAYE ABAD,,JESY MENDIOLA,IYA VILANIA,,PAULIN LUNA,.MAXENEMAGALONA,BIANCA KING,,STEF PRESCOTT,NADINE SAMONTE,NINA JOSE,.MELISA RICKS,ANGELENE AGUILAR,PIA ROMERO,MAGIE WILSON,DIANA ZUBIRI,ANGELIKA DELA CRUZ,.etc,,

    SANA NAMAN MAS DEKALIDA DKASE ANG MGA MOVIES NA COMMERCIAL KESA SA MGA INDIE MOVIES,,O KAYA LAHAT NAMAN,,,PURO MGA LOVE ABNG TEMA NG MOVIES LALO NA NG STARCINEMA,,CHEAP AT WALANG KWENTA,,HANGO PA S AKANTA ANG TITLE,WAHAHAHAAHAH…NON SENS EANG PHIL CINEMA,..IILAN LANG MGA DEKALIDAD NA MOVIES,,

  4. Maria: Tama ka sa US, maraming artists nagsusuot ng gowns for special events or awards na hindi nila binili.  One way of the designer to promote na rin and display their designs.  Pati jewelries, kaya nga panay ang acknowledge nila sa mga gamit na suot nila. Grabe naman manlait ang mga tao sa atin kahit hindi bili or hiram lang.  Kahit implication lang ang ginawa nila bad taste pa rin. For practical reason, bakit nga naman magpapagawa ka pa kung isang beses mo lang gagamitin, tapos kapag sinuot mo ulit sa ibang events, lalaitin ka ulit.  As long as carry naman ng tao yung damit, mapahiram or pinahiram, ok lang. Etong ugali na ito ng mga pilipino lalo na ang mga reporters na ito dapat baguhin!

  5. My Gosh!  ang laking insulto nito kay Bea A.  Dokleng si Bela Padiila at super ganda mg mga mata ni Bea.  Acting wise bano itong si Bela at super galing ni Bea compare kay Bela.  May doperensiya kaya ang mata ng writer na ito.  Insultuhin ba naman si Bea

  6. Ano naman ang masama kung hiram sa designer ang gown? It is such a common practice. I’m not a fan of Bella Padilla but I think this reporter is obviously out to destroy her. Napaka-walang sense ng issue. It is very below the belt.

  7. Dito sa America, kung may mga event, ang mga big name personalities here are sometimes wearing designer clothes na hindi sa kanila, pinagamit lang sa kanila for advertisement at pagkatapos, isuli doon sa Designer or sometimes, ibigay sa kanila for free . At maski mga diamond accessories pinagamit rin at mayroon bodyguard kasi milions of dollars yata ang value ng mga diamonds na pinagamit sa mga artista dito by jewelers.

Leave a Reply

Your email address will not be published.