Bebot, Walang Lisensiya; Motorsiklo, Inabandona

DAHIL NATATAKOT na masita at walang lisensiya, minabuti pa ng isang bebot na iwan sa kalsada ang kanyang motorsiklo sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat, dakong ala-1 ng madaling-araw nang maispatan ng mga pulis ang Yamaha Mio na wala pang plaka sa Labahita St., Longos ng lungsod.

Nakatanggap pa ng impormasyon ang mga pulis na ang nasabing motorsiklo ay dala ng wanted na alyas Michael Bulag na naging dahilan upang palibutan at hintaying lumutang ang wanted.

Makalipas ang ilang oras ay walang lumapit sa motorsiklo na naging dahilan upang dalhin sa presinto ang sasakyan.

Mag-uumaga na nang lumutang si Catherine Boller ng Dagat-dagatan, Caloocan City at sinabi na kanya ang nasabing motorsiklo.

Ayon pa kay Boller, natatakot siyang masita dahil wala pa siyang lisensiya kung kaya iniwan na lang niya ang kanyang motorsiklo.

Nakapagpakita rin ng katibayan si Boller na kanya nga ang motorsiklo na naging dahilan upang ibigay sa una subalit sinampahan pa rin ang bebot ng kasong Driving Without Llicense.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.