Bebot, Tumalon sa Sales Bridge, Bumagsak sa SLEX

TUMALON MULA sa Sales Bridge at bumagsak sa South Luzon Expressway (SLEX) ang isang babae dakong alas-10:00 kahapon ng umaga.

Sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer Edwin Apilacio na unang rumesponde sa insidente, isang naka-motorsiklo ang lumapit at nag-ulat sa kanila ukol sa babae.

May sugat sa paa at walang malay ang babae nang kanilang abutan sa southbound lane ng SLEX malapit sa Villamor Airbase sa Pasay.

Nakilala ang nasabing biktima na si Maria Cristina Soto, 23-anyos, ng Balagbag, Pasay City.

Masuwerte namang hindi nasagasaan ng mga motorista ang babae.

Agad na itinakbo ang biktima sa Taguig-Pateros District Hospital kung saan dumating naman agad ang ina nito.

Ayon naman sa rescue team, base sa salaysay ng ilang testigo, nakita nila ang biktima na palakad-lakad at parang inaantok at makalipas ang ilang sandali, tumalon na lamang ang babae.

Samantala, sinasabing dumadaan sa depresyon ang biktimang inilipat na ngayon sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.