Bebot, tinuklaw ng ahas; ngipin naiwan sa binti

 

KRITIKAL ANG 18-anyos na dalaga makaraang tuklawin ng ahas kung saan naiwan pa ang ngipin sa binti ng biktima sa General Santos City. Sinabi ni Vanessa Doctor, ng Barangay Bula, na kanya pang iwinasiwas ang paa para matanggal ang ahas na parang kasing laki ng ballpen at may taas na dalawang ruler.

Napatay rin kaagad ng kuya nito ang nasabing ahas na dark green ang kulay.

Matapos makagat, kaagad na nakaramdan ng pamamanhid sa kanyang paa ang biktima kung kaya’t kaagad na dinala sa doktor at inob-serbahan.

Napag-alaman na sumakit din ang ulo ng biktima ng dumating na sa ospital.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.