Bebot, timbog sa droga

ISANG BABAE ANG inaresto makaraang mahulihan ng droga sa bayan ng Manaoag sa Pangasinan, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ito na si Zenny De Guzman, 33 anyos, at residente ng Barangay Pao sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng Manaoag PNP, nagsasagawa ng checkpoint ang pulisya nang malambat ang suspek dahil sa pag-iingat nito ng kemikal na umano’y Shabu na nakapaloob sa isang plastic na maliit.

Agad ikinulong si De Guzman, habang isinailalim sa interogasyon, kung saan niya kinukuha at ipinagbibili ang droga.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.