Bebot, Tigok sa Lason

PATAY ANG isang bebot nang lumaklak ng lason makaraang ma-late ng uwi ang ka-live-in sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital si Reynalin Aliroso, 24 ng Governor Alex St., Marulas ng lungsod.

Sa ulat, alas-3:10 ng hapon, umuwi ang ka-live-in ng biktima na si David De Jesus, nasa hustong gulang na inaway ni Aliroso dahil na-late ng uwi.

Nagwala ang biktima at nagbasag ng mga gamit hanggang sa makalabas ng bahay ay patuloy pa rin sa pagwawala.

Nadaanan ng mga pulis ang biktima at nang malaman ang pangyayari ay isinama sa barangay hall ang mag-live-in upang magkaayos.

Habang nasa daan ay napansin ang biktima na nahihirapan huminga na naging dahilan upang dalhin sa VGH subalit hindi na umabot ng buhay.

Nalaman ng mga duktor na tumangga ng silver cleaning solution ang biktima at nang tignan ang bahay ng mag-live-in ay nakita sa kusina ang isang botelya na hinihinalang pinaglagyan ng lason.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.