Bebot, tepok sa lamok

BIGONG MAISALBA ng mga doctor sa bayan ng Dingras, ang isang 22-anyos na dalaga makaraang  ma-diagnose na tinamaan ito ng Dengue virus mula sa kagat ng lamok sa Brgy. Root sa Ilocos Norte.

Kinilala ang nasawing biktima na si Joanna Marie Diego sa nabangit na barangay. Ayon sa mgakaanak ng biktima, matapos  lagnatin, nakaranas din ang biktima ng matinding sakit ng tiyan kung saan dumumi ito ng kulay dugo.

Sinubikan pa ng mga kaanak ng dalaga na ilipat sa Mariano Marcos Meorial Hospital and Medical Center sa Batac City, subalit idineklara itong dead on arrival.

Labis naman ang ikinalungkot ni Mayor Erdio Valenzuela sa bayan ng Dingras sa sinapit ng isa niyang kababayang namatay dahil sa sakit na Dengue.

Bagama’t mas pi-naigting nila ang paglilinis ng kapaligiran ay meron pa ring naging biktima o casualty sa naturang sakit.

Base sa datos ng Ilocos Norte Provincial Hospital nasa ikatlong katao na namatay sa sakit na Dengue  sa Ilocos Norte ngayong taon.

Nabatid na unang ini-report na may isang batang namatay sa sakit na Dengue sa bayan ng Bacarra at sumunod sa bayan ng Paoay.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.