Bebot, Tepok; 3 pa Sugatan sa Road Accident

DEAD ON arrival sa pagamutan ang isang babaeng backrider ng motorsiklo habang sugatang naman ang tatlo pa nitong kasama matapos na maaksidente sa motorsiklo sa Guinayangan, Quezon kamakalawa.

Sa report na nakara-ting sa Camp Crame, naganap ang aksidente dakong alas-3:45 ng hapon kamakalawa kung saan  minamaneho ni Rizaldo Menguillo ang Kawasaki motorcycle sakay ang 3 pang mga biktima sa Brgy. Hinabaan nang bigla u-mano siyang nawalan ng kontrol dahilan para sumalpok ang motorsiklo sa kanang bahagi ng daan.

Dahil dito namatay habang ginagamot sa St. Jude Hospital sa bayan ng Lopez ang naka-angkas na si Solidad Menguillo, 47 anyos. Habang ginagamot naman sa Guinayangan Medicare Community Hospital ang driver na si Rizaldo at si Mariz Menguillo kasama ang isa pang menor de edad.

Sa huli, napag-alaman ng awtoridad na lasing habang nagmamaneho ng motorsiklo ang driver na si Rizaldo at paso na rin ang driver’s license nito.

(EC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.