Bebot, Sugatan sa Selos ng Kapit-bahay

SUGATAN ANG isang bebot matapos saksakin ng basag na bote ng nagselos na kapitbahay makaraang abutan ng huli na kainuman ng kanyang ka-live-in ang una sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Ginamot sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng saksak sa kaliwang braso si Angelica Tan, 22, ng Adante St., Tañong ng lungsod.

Nadakip naman si Daphne Claire Demain, 30, kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat, alas-12:05 ng madaling-araw nang madatnan ng suspek ang kanyang ka-live-in na hindi na nakuha ang pangalan na nakikipag-inuman sa biktima at ilang kapitbahay sa nasabing lugar.

Sinabihan ng suspek ang biktima ng, “Malandi ka, pokpok ka! Gusto mo, pag-untugin ko kayong dalawa!” Bago kinuha ang bote ng alak na iniinom at inihampas sa lamesa ng mga nag-iinuman.

Nang mabasag ay nilusob at sinaksak ng suspek ang biktima hanggang sa awatin ng ka-live-in ng una at ipasok sa loob ng bahay.

Dinala naman ang biktima sa PLM habang dinakip ang suspek ng mga pulis, kung saan lumalabas na dating mag-on ang biktima at ang ka-live-in ng suspek kaya tinamaan ng matinding selos ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.