Bebot, Sinemento sa Drum, Itinapon sa Creek

ISINILID SA loob ng isang drum pagkatapos ay sinementuhan at itinapon sa creek ang isang babae na nai-report na nawawala sa Quiapo, Maynila, kamakailan.

Namamaga na ang buong katawan nang matagpuan sa loob ng sinementong drum ang biktimang kinilalang si  Ma. Kristine de Guzman Ricafrente, ng Burgos St., Paco, Maynila.

Kinilala ang nasabing bebot ng kanyang ina na si Mercedita de Guzman, 56, sa pamamagitan ng mga tattoo na “Michael” at bulaklak na Rosas sa kanang hita.

Base sa report ni SPO1 Mario Asilo, ng MPD-Homicide Section, dakong alas-11:15 ng umaga nang makita ng mga residente malapit sa Arlegui creek sa Arlegui St. Quiapo, Maynila ang nabanggit na drum na lumulutang kaya ito ini¬ulat sa pulisya.

Nabatid na noon pang gabi ng Agosto 24, 2013 nang magpaalam si Kristine na pupunta sa kaibigang si “Jokang” subalit napag-alaman na hindi ito doon pumunta kundi sa bahay ng isang alyas “Khalil” sa Quiapo, Maynila.

Nalaman lamang ng ina ng biktima na hindi ito nagtungo kay Jokang nang magtungo ito noong Agosto 28 para alamin kung bakit ‘out of coverage’ ang cellphone nito at hindi matawagan ang kaibigan.

Nang malamang nagtungo kina Khalil ay pinuntahan nila ito sa tulong ng mga awtoridad subalit hindi umano inabutan si Khalil, bagkus ay damit lamang ng bik¬tima ang nakita sa bahay nito.

Samantala, nang matagpuan ang naturang drum, ipinaalam ito kay Gng. De Guzman na siyang nagkumpirma na ang labi ay ang nawawala nitong anak.

Sa ngayon, patuloy pa ring pinaghananap ng mga kapulisan si Khalil at tuloy rin ang pagsisiyasat sa motibo ng pagpatay sa biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.