Bebot, Sinaksak sa Harap ng Pamilya Habang Kumakain

BINALOT NG takot ang pamilya ng isang 33-anyos na dalaga matapos itong pagsasaksakin sa kanilang harapan habang kumakain ng hapunan sa bahagi ng Barangay San Rafael, Lupi, lalawigan ng Camarines Sur.

Hindi na umabot pa nang buhay ang biktimang kinilalang si Catalina Corbilla matapos na pag-uundayan ng saksak ng suspek na si Michael Fernandez, 29, may asawa at residente rin ng nasabing lugar.

Base sa report, habang kumakain ang biktima kasabay ang buong pamilya, biglang pumasok ang suspek sa kanilang bahay at dito ginawa ang krimen na tila umano nanggigigil.

Wala namang nagawa ang pamilya ng dalaga at nagawa pa ng suspek na maglakad palabas ng bahay at tuluyang tumakas.

Sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, sinasabing bangag sa droga ang suspek.

Samantala, patuloy ang ginagawang pagsisiyasat sa kung ano pa ang puwedeng dahilan ng nasabing insidente at pinagtataguan ng suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.