Bebot, sinaksak ng karelasyong tibo

 

MULING NAPATUNAYAN na ang selos ay lason makaraang saksakin ng isang tomboy ang kanyang girlfriend sa General Santos City.

Kinilala ang inarestong si Lome Laurea, 23 anyos, residente ng Makar, South Cotabato habang sugatan ang karelasyon nito na si Kimberly Sucubos, 25 anyos, ng Tupi, South Cotabato.

Ayon kay SPO2 Rex Diongon, unang nagpa-blotter si Laurea laban kay Sucubos na umano’y nagnakaw ng kanyang salapi.

Kinabukasan ay napaulat na sinaktan at nasaksak ni Laurea si Sicubos dahilan para dakpin ang una.

Agad namang nadala sa pagamutan ang biktima at maayos na ang kondisyon.

Sinabi ni Laurea na nag-ugat ang hindi nila pagkakasundo ni Sicubos dahil may ka-text itong lalaki at labis siyang nasaktan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.