Bebot, Pinaputukan ang Sarili, Tigok

PATULOY ANG pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa San Manuel, Isabela upang malaman kung nagpakamatay o may foul play sa 25-anyos na dalaga.

Base sa paunang pagsisiyasat ng PNP San Manuel na nagkulong sa kanyang silid si Roselita Apelado at makaraan ang ilang oras ay nagbaril sa sarili gamit ang homemade one-shot M16 na baril.

Tinamaan ng bala ang kanyang dibdib na dahilan ng agad niyang kamatayan.

Samantala, inaalam ng mga awtoridad kung paano nagkaroon ng baril si Apelado at kung ano ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.