Bebot, Pinagtulungan ng 2 Tibo

TODAS ANG babae matapos pagtulungan pagsasaksakin ng dalawang tomboy sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Manila Central University Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Catherine Orbillo, nasa hustong gulang ng stotsenberg st., ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis sina Ronalyn Deal Cruz, 24 at isang alyas Kim kapwa ng Samson Road ng lungsod.

Sa ulat, ala-1:55 ng hapon, naglalakad ang biktima sa Samson Road nang salubungin at pagsasaksakin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa MCU kung saan inaalam na ang motibo ng mga una sa pana-naksak.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.