Bebot, Patay sa Saksak

TODAS ANG ISANG bebot matapos pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay pasakay sa tricycle sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng dalawang saksak sa dibdib si Emma Arag, 32, ng Pampano St., Longos ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-5:30 ng hapon, papasakay ang biktima sa tricycle ni Charlie Cabiling sa Hiwas St., Longos nang sumulpot ang suspek at undayan ng saksak si Arag.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ni Cabiling ang biktima sa PLM.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.