Bebot, Patay sa Poste

DEAD ON arrival sa pa-gamutan ang 28-anyos na dalaga makaraang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa konkretong pader ng Albay Electric Cooperative (Aleco) kamakailan.

Nabatid na binabaybay ng biktimang kinilalang si Ma. Lourdes Achacon ang National Road sa bahagi ng Barangay Gabon, Polangui ng nasabing lalawigan, nang bigla na lamang itong lumihis sa sidewalk hanggang sa mahulog.

Nagtamo ng matin-ding tama sa katawan at ulo ang biktima matapos ang aksidente.

Bagama’t naisugod pa sa sa pinakamalapit na ospital, idineklara ring dead on arrival ng mga doktor ang biktima.

Pinaniniwalaang nakainom ang biktima habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.