Bebot, Patay Sa Pagsemplang

PATAY ANG ISANG bebot matapos magulungan ng sasakyan makaraan sumemplang nang makasagi ng pedicab ang una sa Malabon City Miyerkules ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng pinsala sa katawan si Catherine Antonio, 30 ng Kagitingan st., Muzon ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang isang Mauricio Rato Jr., driver ng Toyota Revo (XEJ-873) na nakatakas matapos ang insidente.

Sa ulat, dakong alas-10:45 ng gabi, dala ng biktima ang XRM UO-6213 sa Sanciangco St., Niugan ng lungsod nang mag-overtake sa isang pedicab.

Sumabit ang manibela ng biktima sa pedicab na naging dahilan upang sumemplang subalit nagulungan naman ng kasalubong na Revo na dala ni Rato.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa TMC habang nag-iwan ng lisensiya si Rato bago mabilis na sumibad dala ang Revo.                        (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.