Bebot, Patay sa Gilid ng Ilog

INAALAM NA ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ng hindi pa kilalang bebot na natagpuan sa gilid ng ilog sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Tinatayang nasa edad 35 hanggang 40 ang biktima, may mga galos sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-8 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa gilid ng ilog sa P. Santiago St., Lingunan ng lungsod.

Bukod sa mga galos, wala naman nakitang palantandaan na pinatay ang biktima kung saan inaalam pa kung ano ang ikinamatay ng biktima na sinasabing hindi residente ng nasabing lugar.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.