Bebot, Patay; Ka-Live-In, Kritikal sa Boga ng Dating Mister

PATAY ANG isang babae habang nasa kritikal naman ang kalagayan ng kanyang live-in partner matapos barilin ng kanyang dating mister sa loob ng kanilang bahay sa may Zone 2, Barangay Salaan, Zamboang City.

Base sa ulat mula sa Zamboanga City Police Station 4, pasado alas-9:00 ng umaga habang nasa loob ng tinitirahan nilang bahay ang live-in partner na sina as Victoria Alejandro Solis 45-anyos at si Angelo Alvarez Gaspar nang pasukin sila ng suspek at bigla na lamang pinagbabaril.

Matinding tama ng bala sa ulo ang agad ikinasawi ng biktima.

Personal na galit ang isa sa nakikitang motibo ng pulisya sa pamamaril ng salarin.

Samantala, nabatid na noon lamang nakaraang buwan ng Pebrero nitong taon nang makipaghiwalay ang nasawing biktima sa suspek na si Elvin Alejandro.

Ang pagsasama ng biktima sa ibang lalaki ay siyang posibleng ikinagalit ng husto ng suspek kaya nito nagawa ang pamamaril.

Sa ngayon, patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang salarin na agad nakatakas pagkatapos ng insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.