Bebot, ni-rape na, pinatay pa ng nobyo

NALILIGO SA sariling dugo nang makita ang isang babae na hinihinalang hinalay saka pinatay ng kanyang boyfriend sa loob ng kanilang inupahang kuwarto sa Seaside Bar Resort sa Dardarat, Tagudin, Ilocos Sur.

Kinilala ang biktima na si Sheila Maynes Monte, 29-anyos, ng Paratong, Bangar, La Union.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima ng caretaker ng resort na si Gloria  Leal.

Ayon sa inisyal na im-bestigasyon, nag-check- in sa resort ang biktima kasama ang umanong nobyo nito sa Room 10 at bandang hapon ay nagtungo ang lalaki sa counter para mag-extend ng pananatili ng isa pang oras bago umalis.

Nang matapos na ang isang oras at hindi pa lumalabas ang kasama ng lalaki ay kinatok na ni Leal ang biktima at nang walang sumasagot ay binuksan niya ang kuwarto ngunit tumambad sa kanya ang patay nang babae.

Sa imbestigasyon, lumalabas na malakas na pagpalo sa ulo ang ikinamatay ng biktima.

Nakuha sa lugar ng krimen ang isang sinturon at basag na bote na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaslang.

Pinaghahanap na ang lalaking kasama ng biktima na hinalang kanyang ka-sintahan. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.