Bebot, Napagtripang Tarakan ng Bangag na Kelot

SUGATAN ANG isang babae makaraan pagtripang saksakin ng isang lalaking bangag sa droga matapos umanong matitigan ng biktima ang huli nang masalubong sa paglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nakaratay sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) sanhi ng tama ng saksak ng ice pick sa katawan ang biktimang si Dalaga Sibatian, 36, ng # 1065, Road 1, Tambakal St., Brgy., Maypajo ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang tumakas at ngayon ay pinaghahanap ng awtoridad ang suspek na nakilalang si Caloy Lopez, walang permanenteng tirahan at isang gumon sa ipinababawal na gamot.

Sa ulat ng Caloocan City PNP, dakong alas-6:00 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa Brgy. Maypajo.

Ayon sa biktimang si Sibatian, kasalukuyan siyang naglalakad sa nasabing lugar nang makasalubong niya ang suspek na nandidilat ang dalawang mata na sa kanyang pagkakaalam ay bangag sa ipinagbabawal na droga.

“Napatitig po ako sa kanya dahil kakaiba ang kanyang ikinikilos at sa isang iglaplamang ay inundayan  ako ng saksak ng ice pick sa braso at katawan at pagkatapos ay mabilis na tumakas.”

Ilang residente sa nasabing barangay ang nagdala sa biktima sa nasabing pagamutan kung saan ito ay kasalukuyang nakaratay.

Kaagad namang nagsagawa ang mga barangay tanod ng paghahanap sa tumakas na suspek subalit naging negatibo ang naging resulta.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.