Bebot, Nahulugan ng Niyog sa Ulo, Kritikal

KRITIKAL ANG kalagayan ng isang babae matapos mabagsakan ng niyog sa ulo.

Kinilala ang biktimang si Lina Cañeda, 48, nakatira sa sa bayan ng San Miguel, Leyte.

Base sa ulat ni Primitivo Cañeda, asawa ng biktima, tanghali nang magpasya silang mag-asawa na maghanap ng panggatong sa kanilang niyugan nang biglang mabagsakan ng malaking niyog ang ulo ng kanyang asawa.

Dahil sa lakas ng pagbagsak, nawalan ng malay si Lina na agad namang isinugod sa Eastern Visayas Regional Medical Center.

Nasa maselang kalagayan pa rin ang biktima dahil may nakita umanong namumuong dugo sa loob ng ulo nito.

Samantala, patuloy pa ring inoobserbahan ng mga manggagamot ang kalagayan ng babae. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.