Bebot, Nahulog sa Barko; Nawawala

NAWAWALA ANG isang babaeng pasahero matapos mahulog sa sinasakyang barko sa karagatang nasa pagitan ng Bohol at Camotes Island.

Batay sa report na nakarating sa Philippine Coast Guard (PCG) Headquarters sa Port Area Manila, kinilala ang nahulog na babae mula sa economy deck ng MV Pilipinas Maasin na si Maria Gretchen Enad, 39-anyos.

Ito’y base na rin sa nakuhang ticket at dalawang backpack ng nasabing biktima.

Agad namang ginalugad ng PCG ang lugar at mga kalapit-bayan ng Hilongos, Hindang, Matalom at Maasin maging ang isla ng Danajun sa Barangay Santiago, Dapdap Himensulan pero negatibo ang resulta.

Nag-abiso na rin ang nasabing ahensiya sa pamunuan ng ibang barko maging sa mga residente na agad ipagbigay-alam sa awtoridad sakaling makita o may makuhang impormasyon tungkol sa nahulog na babae.

Samantala, hindi pa rin mabatid kung paano o bakit nahulog ang babae.

Ang MV Pilipinas Maasin na pagmamay-ari ng Cokaliong Shipping Lines ay may sakay na 264 pasahero at 47 crew na galing Surigao at patungong Cebu.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.