Bebot na Tulak, Nalambat

HINDI NA nagawang itanggi pa ng isang babae ang hawak-hawak nitong Shabu nang malambat ng pinagsanib na puwersa ng Meycauayan-PNP at PDEA sa Brgy. Bangcal, Meycauayan City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Hector Samar kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Michelle Mendoza Y De Castro,36, dalaga, residente ng 670 Mulawin St., Brgy. Bangcal.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-11 ng umaga nang arestuhin ang suspek makaraang magpanggap na poseur-buyer ang isa sa mga pulis.

Nakumpiska mula sa kanya ang anim na balot ng Shabu at isang Honda Wave na may plakang GU-2541, na umano’y gamit nito sa pagta-transport ng droga sa nabanggit na siyudad.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Meycauayan City Jail sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.