Bebot na Tulak Nadakma

KALABOSO ANG isang ginang nang mahuli sa buy-bust operation sa Valencia City, Bukidnon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si Razil Abergas, na matagal na ring nasa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinasabing matagal nang mino-monitor ng mga personahe ng PDEA ang suspek, kamakalawa ng alas-2 ng hapon lamang nahuli.

Ayon kay PDEA Regional Dir. Roberto Opeña, nakuha ng kanilang undercover agent mula kay Abergas ang isang malaking sachet ng pinaniniwalaang Shabu.

Nakatakas naman ang live-in-partner ni Abergas na si Ar-ar Tayros.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.