Bebot na Pinatay sa Loob ng Lodging House, Nakilala na

NAKILALA NA ang babaeng pinaslang sa loob ng isang lodging house sa may Barangay Bonbon sa Cagayan de Oro City noong araw ng Sabado.

Mismong ang ina ng biktima ang personal na kumilala rito sa loob ng Bollozos Funeral Parlor.

Ang naturang biktima ay kinilalang si Rutch Shela Gahi, 36, taga-Barra Macabalan ng nabanggit na lungsod.

Ayon pa sa ina ng pinaslang na si Jocelyn Bagabuyo, naghihinala siya na ang kasinta-

hang seaman ng ka-nyang anak ang pinani-niwalaan niyang isa sa salarin sa pagpatay dito.

Madalas daw kasing magkasama ang dalawa simula ng mamatay ang ama ng lalaki.

Hindi niya nakilala nang lubusan ang nobyo ng kanyang anak na si Edward de Luna dahil textmate lamang ito ng biktima, dagdag pa nito.

Ngunit nang komprontahin daw nito ang nobyo ng anak, pinabulaanan nito na sila ang magkasama noong a-raw na maganap ang insidente.

Nagtungo rin daw ng Maynila ang suspek nang kanya itong hamunin na magpakita sa roomboy ng lodging house kung saan natagpuan ang wala nang buhay na anak.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsisiyasat sa nasabing krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.