Bebot na nag-casino, patay; 1 pa grabe sa ratrat

DEAD ON arrival sa Calamba Doctors Hospital ang isang dalaga, samantalang patuloy na sumasailalim sa maselang operasyon ang kasamahan nito matapos pagbabarilin ng tatlong hinihinalang mga hired killer sa bahagi ng Brgy. Bunggo, Calamba City.

Kinilala ni Supt. Leovigildo Manaig, hepe ng pulisya ang biktimang si Melody Habito, ng Maitim East, Tagaytay City kung saan nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, habang si Marivic Murillo, 19, ay nasa kritikal pa ring kondisyon sa nasabing pagamutan.

Sa inisyal na ulat, dakong 2:30 ng madaling-araw nang maganap ang nasabing insidente makaraang magtungo umano ang biktimang si Habito kasama si Murillo sa Casino Filipino sa Tagaytay City.

Sinasabing isa sa tatlong suspek na nakilala sa alias na Jay-R ang nagsabing susundo sa mga ito sa naturang lugar patungo naman sa Milagros Inn lulan sa isang Honda Civic Sedan may plakang UHL-281.

Doon mismo sa hotel makalipas ang mahigit na isang oras nang magdesisyon ang suspek na magtungo ang mga ito sa lugar na pinangyarihan ng insidente, kung saan iniwan ang mga ito sa masukal at madilim na bahagi bago pinaulanan ng bala at mabilis na nagsitakas.

Samantala, batay sa isinagawa umanong salaysay ng biktimang si Murillo sa pulisya, isang alias Rick at Duke na big time drug pushers ng Brgy. Sambat, Tanauan, City ang sinasabi nitong may mga pagbabanta sa kanyang buhay bago pa naganap ang nasabing insidente.

(E.CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.