Bebot na May Polio, Niluray ng Tiyuhin

ISANG BABAENG polio victim ang hinalay ng kanyang sariling tiyuhin sa bayan ng Dolores, Abra.

Nakilala ang biktima na si alyas Malyn, 23, nakatira sa nabanggit na lalawigan habang ang suspek ay nagngangalang Johnny Tabaday ng naturang lugar.

Base sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Yearna Zapata, kadalasang nag-iisa ang kapatid niya sa kanilang bahay dahil hindi ito nakalalakad.

Ito ang kinuhang pagkakataon ng salarin na pagsamantalahan ang ka-nyang pamangkin.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek dahil ito ay tumakas matapos ang panggagahasa sa nasabing biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.