Bebot na may Kargang Pamangkin, Nagpatiwakal; Kelot, Damay, Patay rin

PROBLEMA SA relasyon ang isa sa nakikitang dahilan ng pagpapatiwakal ng isang babae na may kargang pamangkin sa Barangay Arkong Bato, Valenzuela City.

Patuloy ang pagsisiyasat sa nangyaring insidente lalo’t tumatangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng babae na si Rachel Naval, 30-anyos.

Sabado ng hapon nang umakyat sa bubungan ng tinitirhang bahay si Naval karga ang isang taong gulang na pamangkin na si Dennis Cabrera na nasawi rin sa Valenzuela City Emergency Hospital.

Namatay rin ang nabagsakang lalaki ng mag-tiyahin na si Renato Alcantara, 58. Napadaan lamang ito nang mabagsakan sa batok ng dalawa.

Usap-usapan naman sa Vizena Street na posibleng dahilan ng pagpapakamatay nito ang umano’y hiwalayan ni Naval at kasintahan nitong foreigner.

Samantala, nakaburol na ang labi ng mga biktima sa bahay ng mga ito.

Sa ngayon, kapwa tumanggi ang pamilya na magbigay ng pahayag sa nangyaring insidente.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.