Bebot na May Diperensiya sa Pag-iisip, Ginahasa at Inanakan ng Tiyuhin

SINAMPAHAN NA ng kasong rape ang isang tiyuhin matapos na pagsamantalahan ang kanyang pamangkin na babae na isang psychiatric patient sa General Santos City.

Ang guardian ng biktima ang nagsampa ng kaso sa City Prosecution Office ng lungsod laban sa suspek na itinago sa pangalang Arnel, 40, may asawa at huling address nito ay sa Koronadal City at sa Muntinlupa.

Batay sa impormasyon, ang biktima ay nakilalang si alyas Hanna, 20, nakatira sa isang subdivision ng lungsod ang ginahasa noong Hulyo, 2011 at nasundan pa ng isang beses sa katulad na buwan.

Mula pagkabata ng nasabing biktima ay nakaranas na ng mental condition na siya namang pinagsamantalahan ng salarin.

Nabuntis ang biktima na nagpalala pa sa psychological condition nito sanhi na hindi na ito lumalabas ng kanyang silid.

Nanganak ang biktima noong Abril 5 nitong kasalukuyang taon, kung saan habang sakay ng traysikel lumabas ang bata kaya’t kaagad na in-admit sa GenSan District Hospital.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.