Bebot na ginahasa, nabuntis na, nahawahan pa ng STD

LABIS NA PIGHATI ang nararamdaman ngayon ng isang pamilya makaraang magahasa ang isang dalagita at umamin lamang makaraan ang 4 buwan nang matuklasang nahawahan pa ito ng sexually-transmitted disease (STD) sa Gumaca, Quezon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, pinaghahanap ngayon ang suspek na si Christian Laura, 23 anyos, estudyante ng Eastern Quezon College at residente ng Purok Hospital, Barangay Quezon.

Sa imbestigasyon, alas-10 ng umaga nang dumulog sa Gumaca Municipal Police Station ang mga magulang ng biktima upang ipagbigay-alam ang sinapit ni “Nelda”, 17 anyos.

Sa salaysay ng biktima kay PO1 Girlie Velasco Paloma, officer on case, March 1 ng alas-10 ng umaga nang imbitahin siya ng suspek para dumalo sa birthday party ng ina nito sa nasabing barangay.

Gayunman, ikinagulat ng biktima kung bakit wala namang tao sa bahay ng mga ito at nagpasiyang umuwi na lang subalit inalok siya ng maiinom ng suspek na kanya namang pinaunlakan.

Makaraang inumin ang juice ay nakaramdam ng pagkahilo si Nelda dahilan para manghina hanggang sa ihiga siya ng suspek at doon si-nimulan ang paglugso sa kanyang puri.

Dahil sa sobrang hina ay hindi na nakapanlaban ang biktima kaya nagpatianod na lamang ito sa ginawa sa kanya ni Laura.

Ipinagtapat lamang ni Nelda na siya ay ginahasa nang madiskubreng buntis ng apat na buwan at ang pinakamapait ay matuklasang nahawahan ito ng STD.

Sa ngayon, pinaghahanap ng pulisya ang suspek na umano’y nagtago makaraan ang panggagahasa sa dalagita. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.