Bebot, Kulong sa Tangkang Pagtangay sa Nene

HINDI NAKALIGTAS sa selda ang bebot na nagbaliw-baliwan matapos mahuli nang tangkaing tangayin ang 9 na gulang na batang babae sa Caloocan City kamakalawa ng madaling-araw.

Nakilala ang suspek na si Ma. Katlea Velasquez, 32 ng Antigue St., Bago Bantay, Quezon City.

Sa ulat, dakong alas-4 ng madaling araw, pumasok ang suspek sa bahay ng biktimang edad 9 sa BMBA ng nasabing lungsod.

Hinatak ng suspek ang biktima na nagising hanggang umabot sa kalsada ang hatakan.

Nakita naman ng isang kapatid ng biktima ang ginawa ng suspek na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga barangay tanod.

Naabutan pa ng mga tanod ang hatakan na naging dahilan upang dakpin ang suspek at ibalik sa magulang ang nene.

Sa presinto ay umaktong wala sa sarili ang suspek subalit isinelda na rin ito ng mga pulis upang maimbestigahan at masampahan ng kasong attempted kidnapping.

(MARY H. SAPICO)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.