Bebot, kritikal sa saksak ng ka-live in dahil sa cellphone

KRITIKAL ANG isang bebot matapos pagsasaksakin ng ka-live-in makaraan ang pagtatalo nang burahin ng huli ang mga contact number sa cellphone ng una sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga.

Inoobserbahan sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Catalina dela Cruz, 42, ng Phase 4, Bagong Silang ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Danilo Ramos, 43 ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-4 ng umaga, nalaman ng biktima na binura ng suspek ang mga contact number ng mga kaanak sa cellphone ng bebot na naging dahilan upang sitahin si Ramos sa loob ng kanilang bahay.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang pag-uusap ng mag-live-in hanggang sa kumuha ng patalim ang suspek at pagsasaksakin ang biktima.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRH.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.