Bebot, Kritikal sa Ligaw na Bala

NASA KRITIKAL na kondisyon sa Philippine General Hospital sa lungsod ng Maynila ang isang 23-anyos na dalaga, makaraang tamaan sa ulo ng ligaw na bala ng baril kahapon ng umaga sa Brgy. Bangcal, Meycauayan City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Sidney Villaflor kay Bulacan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang biktimang si Rizalyn dela Paz, residente sa nabanggit na barangay, habang a-restado naman ang mga suspek na sina  Joseph Elias, 41; at Glenn Calma, 38 anyos, kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-9:30 ng umaga, kasalukuyang nagliligpit sa loob ng kanilang bahay ang biktima nang bigla na lamang itong bumulagta dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo.

Ayon naman sa isang nakasaksi na si Eric, nakita at narinig umano nito ang pagpapaputok ng dalawang suspek, kung saan tatlong putok ng baril ang kanyang narinig.

Samantala nakum-piska mula sa dalawang suspek ang isang Colt Super 38 na baril at dalawang magazine ng bala. Kaugnay nito, detenido ngayon ang mga suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila.

(TONY DELA PEÑA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.