Bebot, Kritikal sa Kadyot ng Selosong Ka-Live-In

KRITIKAL ANG isang bebot matapos saksakin ng ka-live-in makaraan ang pagtatalo dahil sa pagseselos ng huli sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Camille Tiana, 20, ng Interior, Barangay 33 ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Jerry Talinga, 25, ng nasabin ring lugar.

Sa ulat, alas-3:30 ng umaga, nagtatalo ang mag-live-in sa loob ng kanilang bahay dahil may pinagseselosan ang suspek.

Nakakuha ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima bago tumakas habang dinala ng ilang kapit-bahay ang biktima sa JRMMC.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.