Bebot, Kritikal sa Ka-live-in

MALUBHA SA pagamutan ang isang bebot matapos barilin ng ka-live-in habang ang una ay natutulog sa kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Sherryl Derla, 37, ng Ignacio Cmpd., Sta. Quiteria ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Jose Villano Jr., nasa hustong gulang ng nasabing lugar.

Base sa ulat, alas-2:30 ng umaga, natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na lugar nang barilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa MCU kung saan inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pamamaril.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.