Bebot, Kinatay ng Nakababatang Kapatid

PATAY MATAPOS na pagsasaksakin ng kanyang sari-ling kapatid ang isang 30-anyos na babae sa bayan ng Guinobatan, Albay.

Kinilala ang nasabing  biktima na si Judith Esquello y Palenzuela, residente ng Sitio Basud, Brgy. Masarawag, naturang bayan.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, habang nasa impluwensya ng alak ang salarin na si Arbel Esquello, 25, nang magtungo ito harap ng bahay ng biktima at nagsisisigaw.

Hindi naman akalain ng biktima na ito na ang huling pagtatalo nila ng nakababatang kapatid dahil bigla na lamang siyang pinagsasaksak.

Samantala, sinubukan pa sanang pigilan ng live-in partner ng biktima na si Joel Labulay y Olivides, 36, at isa sa mga kaanak nito na si Rodulfo Palenzuela ngunit maging ang mga ito ay pinagbalinga ng suspek.

Sa ngayon, nananatili naman ng suspek sa pagamutan dahil sa tinamo nitong sugat sa kanyang ulo.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.