Bebot, kinatay ng ka-live in

CAMARINES SUR – KALUNUS-LUNOS ang sinapit ng isang babae nang pagtatagain ng kanyang live in partner hanggang sa mamatay sa Ragay, Camarines Sur.

Sa ulat ng Ragay PNP sa Camp Crame, kinilala ang biktimang si Marites Pistro, 35, ng Zone 5, Villar Floreda habang ginagamot ang suspek na si Rodolfo Quebral, 42.

Sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at ang suspek na nauwi sa pananaga ng huli sa una.

Sinasabing halos maputol ang leeg ng biktima dahil sa tindi ng galit ng suspek na bandang huli ay sarili ang tinaga.

Napigilan lamang ito ng kanyang kaanak at isinugod sa Bicol Medical Center.

Nabatid na nagkaroon na ng diperensiya sa pag-iisip si Quebral bunsod ng madalas umanong pag-inom.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.