Bebot, kinatay ng ka-live in

PINAGTATAGA ANG 25-anyos na babae ng kanyang live-in partner sa Barangay Ipilan, Brooke’s Point, Palawan.

Nagtamo ng mga taga sa ulo, kamay at iba pang bahagi ng katawan ang biktimang itinago sa pangalang Lauren mula sa ka-live in na si Fernando Tubo, 47-anyos.

Ayon kay Palawan Provincial Command Spokesperson Inspector Salvador Tabis, sa kabila ng mga tinamong sugat, nakaligtas ang babae sa tiyak na kamatayan at ngayo’y ligtas na ang kalagayan sa South Palawan Provincial Hospital.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, sinasabing selos ang dahilan ng nangyaring krimen.

Agad namang tumakas si Tubo na ngayo’y tinutugis na ng mga kinauukulan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.