Bebot, kinatay ng ka-live in

NAHAHARAP SA kasong murder ang isang lalaki sa lalawigan ng Camarines Sur matapos patayin sa saksak ang kanyang live-in partner.

Ayon kay SPO1 Jose Dollero ng PNP Calabanga, sinabi nitong kinasuhan na nila ang suspek na si Ruben Abainza, 34, ng Barangay Santa Salud dahil sa pamamaslang sa biktimang si Analiza Jiongco.

Aniya, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa matapos umuwi ng lasing ang suspek.

Sinubukan pa umanong pigilan ng kanilang pitong taong gulang na anak ang dalawa subalit huli na nang mahawakan ng suspek ang patalim.

Agad na pinag-uundayan ng saksak sa dibdib ni Abainza ang ka-live in na agad namang ikinamatay nito.

Samantala, nananatili sa kulungan ang suspek na agad namang sumuko matapos ang nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.