Bebot, kinarne ng menor na secret admirer

SOUTH COTABATO – SA halip na pagsuyo at pagmamahal, kamatayan ang iginawad ng isang menor de edad sa kanyang hinahangaan sa bayan ng Surallah, South Cotabato.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Michelle Aaron Lubaton, estudyante ng Ateneo de Davao University.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspek na itinago sa pangalang Jhunel, 16-anyos.

Ayon kay Gaspar Avila, may-ari ng GMGK Apartment na nasa Ponce St., Bgy. Tibursio, dakong alas-2:30 ng madaling-araw kamakalawa nang makarinig siya ng malakas na sigaw at nang siyasatin ito ay nakita ang bangkay ni Lubaton na naliligo sa sariling dugo bunsod ng saksak sa katawan.

Inamin ni Avila na helper niya ang suspek at nagkaroon na rin ito ng mga kaso at katunayan ay dalawang beses nang nakulong.

Alam aniya sa kanilang lugar ang matinding gusto ng suspek kay Lubaton, subalit nakapagtataka kung bakit marahas ang ginawa ng una sa huli.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Bebot, kinarne ng menor na secret admirer

  1. baka nagpumiglas at nagsisigaw dahil tinangka nitong pagsamantalahan. kawawa naman. sana mahuli ang suspek na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.