Bebot, kalaboso sa Chocolate at Cologne

KALABOSO ANG isang babae matapos mang-umit ng chocolate at cologne sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Caroline Galvez, 31 ng Sirehas St., East Bagong Barrio ng lungsod.

Sa ulat, alas-3:30 ng hapon nang pumasok ang suspek sa Mini-Stop sa Sta. Queteria ng lungsod at kumuha ng chocolate at cologne na nagkakahalaga ng P97 bago nagmamadaling lumabas.

Napansin ng isang empleyado ang pananalisi ng suspek na naging dahilan upang habulin at nadakip.

Nabawi sa suspek ang inumit at dinala sa presinto.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.