Bebot, Itinapon sa Damuhan

NATAGPUANG PATAY ang isang ‘di pa nakikilalang babae na pinaniniwalaang biktima ng salvage sa damuhang bahagi malapit sa highway sa Crossing Palkan, Polomolok, South Cotabato.

Sinabi ni PO3 Cesar Barsanalina ng  Polomolok PNP, inaalam pa ang pagkakakilanlan sa nasabing biktima na dinala sa isang punerarya sa Polomolok.

Isang concerned citizen umano ang nagbigay-alam sa mga awtoridad at si-nabing mayroon silang natagpuang bangkay ng babae sa nabanggit na lugar.

Nirespondehan ni duty investigator PO2 Malayo kasama ang duty alert team sa pangunguna ni PO3 Susuban ang tinukoy na lugar at nakumpirma ang pangyayari.

Ang biktima ay nakasuot ng T-shirt at pantalon na tinatayang may edad 18 hanggang 20 anyos, tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.